Thursday, May 7, 2026

27-ANYOS NA AKUSADO SA SEXUAL ASSAULT AT ACTS OF LASCIVIOUSNESS, ARESTADO SA SISON

Arestado ang isang 27-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong Sexual Assault at Acts of Lasciviousness matapos itong madakip ng mga operatiba ng Sison Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Bila, Sison, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19 sa Cainta, Rizal.

Ayon sa ulat ng pulisya, matagumpay na naisagawa ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person at pagpapatupad ng batas sa lalawigan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sison MPS ang akusado habang hinihintay ang kaukulang proseso kaugnay ng kinakaharap nitong kaso.

Binigyang-diin naman ng kapulisan na ang matagumpay na pagdakip ay nagpapakita ng kanilang patuloy na dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng komunidad, gayundin sa paghahatid ng hustisya sa mga biktima ng krimen.

Patuloy ding hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan at agad magsumbong ng anumang impormasyon na makatutulong sa pagsugpo ng kriminalidad sa kanilang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments