Ininspeksyon ng mga awtoridad ang mga water rides sa Lingayen at Estanza beach noong Abril 16, kasunod ng patuloy na pagdagsa ng turista ngayong summer.
Sinuri ang itinakdang safety at operational standards ng mga banana boat at iba pang inflatable water rides na inaalok ng mga bangkero sa mga beachgoers para sa kanilang kaligtasan.
Kabilang sa mahigpit na minonitor ang kondisyon ng kagamitan, life vests, kapasidad ng sasakyan at emergency response operators.
Sinuri rin kung may sapat na safety briefing bago sumakay ang mga turista at kung rehistrado at may kaukulang permit ang mga operator mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa ulat, pinaandar ang inspeksyon para matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ngayong tumataas ang bilang ng beachgoers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










