COMMUNITY PANTRY SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, INILUNSAD PARA SA VULNERABLE SECTOR

Pormal na inilunsad nitong Martes, Abril 14, ang Community Pantry sa kubo na katabi ng munisipyo sa San Fernando City, La Union, tampok ang mga lokal na ani at pangunahing pangangailangan para sa mga miyembro ng vulnerable sector.

Kabilang sa mga nakakuha ng produkto mula sa pantry, ang mga magsasaka, mangingisda, jeepney drivers, indigent senior citizens, PWDs, solo parents, at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa hiwalay na pwesto, nagbukas din parehong pantry ang tanggapan ng CDRRMO na target na benepisyaryo ang mga jeepney drivers.

Layunin nitong matulungan ang mga nangangailangan at magsilbing paalala ng bayanihan sa mga residente partikular ngayong panahon ng krisis.

Bukas ang community pantry araw-araw mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Paalala naman ng mga opisyal na bagaman libre ang pagkuha ng pagkain at iba pang tampok na produkto, bigyang-konsiderasyon umano ang mga mas nangangailangan sa community pantry. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments