Tuesday, May 12, 2026

70 KABATAAN SA PANGASINAN, SUMABAK SA 15-ARAW NA SPORTS CLINIC NG PNP

Umabot sa 70 kabataan ang lumahok sa “PNP Summer Sports Clinic 2026” na inilunsad ng Pangasinan Police Provincial Office sa Lingayen, bilang bahagi ng inisyatiba para sa produktibong summer break.

Ang mga kalahok ay binubuo ng mga batang may edad 6 hanggang 18, kabilang ang mga anak ng PNP at NUP personnel at mga kabataang mula sa lokal na komunidad.

Sa loob ng 15 araw, sasailalim sila sa pagsasanay sa pickleball, badminton, at karatedo, na layong hubugin ang kanilang kakayahan sa sports at disiplina.

Kabilang din sa programa ang daily physical conditioning, technical skills training, character-building sessions, at aktuwal na laro at self-defense demonstrations para sa holistic na pag-unlad ng mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments