‎₱8-B GASTOS SA PAGHAHANDA PARA SA BSKE 2026, POSIBLENG MASAYANG KUNG SAKALING IPAGPALIBAN UMANO ANG ELEKSYON – COMELEC

‎Nanganganib na masayang ang tinatayang ₱8 bilyon na nagastos na ng Commission on Elections (COMELEC) sa paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 sa gitna ng nakaambang pagpapaliban ng halalan na nakatakdang idaos sa Nobyembre, ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia.

‎Ani Garcia, ang nagastos na ito ay bahagi ng tinatayang ₱19 bilyong kabuuang pondo ng ahensya para sa BSKE.

‎Dagdag niya, nagamit na ang naturang halaga para sa iba’t ibang paghahanda kabilang ang honorarium ng mga guro, pagsasanay at mga gastusin para sa deployment.


Binigyang-diin naman ng COMELEC chairperson na walang impluwensya ang komisyon sa usapin ng posibleng pagpapaliban ng halalan.

‎Nasa Kongreso pa rin umano ang huling desisyon kung ipagpapaliban o itutuloy ang eleksyon.

‎Gayunman, sinabi niyang nakahanda ang COMELEC BSKE na nakatakdang ganapin sa Nobyembre 2 at walang nagbabago sa itinalagang eskedyul.

‎Sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan, iba-iba naman ang naging pananaw ng ilang barangay at Sangguniang Kabataan aspirants hinggil sa posibilidad ng pagpapaliban ng halalan.‎
‎Samantala, kinansela ng COMELEC-Mangaldan ang nakatakda sanang orientation para sa mga BSKE aspirants mula August 18 hanggang 20 dahil sa masamang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments