Dahil mataas pa rin ang tubig sa ilang bahagi ng lugar, limitado ang pamamasada ng mga tricycle driver na umaasa sa araw-araw na biyahe para sa kanilang kabuhayan.
Ayon kay Jun Gabriel, isang tricycle driver na nakapanayam ng IFM News Dagupan, nababawasan ang kanilang kita dahil hindi sila makabiyahe nang regular bunsod ng lalim ng baha.
Dagdag pa niya, malaking hamon din sa kanilang kabuhayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, habang may pangamba ring masiraan o tumirik ang kanilang mga tricycle kapag dumaan sa baha.
Sa pag-iikot ng IFM News Team, nananatiling lubog sa baha ang ilang bahagi ng Calasiao, kabilang ang ilang kabahayan na patuloy na naaapektuhan at nahihirapan dahil sa sitwasyon.
Patuloy namang minomonitor ang mga lugar na apektado ng pagbaha, habang pinapayuhan ang mga residente at motorista na mag-ingat sa mga bahaging mataas pa rin ang tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










