
CAUAYAN CITY- Matumal ang bentahan ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa kabila ng pagbaba ng presyo, dahil nananatili ang pangamba ng mga mamimili sa African Swine Fever o ASF.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Bella Taguiam, isang meat vendor sa Cauayan City, sinabi nitong mas kaunti ang bumibili ng karne ng baboy dahil marami pa rin ang nag-aalala sa posibleng epekto ng ASF. Dahil dito, napipilitan ang ilang tindero na magbaba ng presyo upang mahikayat ang mga mamimili.
Dahil dito, may mga tindero na napipilitang magbaba ng presyo upang hindi masayang ang kanilang paninda. Gayunpaman, hindi pa rin sapat ang dami ng bumibili upang maubos agad ang kanilang paninda sa bawat araw.
Patuloy naman ang panawagan sa publiko na maging mapanuri sa pagbili ng karne at tiyaking nagmumula ito sa lehitimo at maaasahang pinagkukunan.










