Naipasa na ang Magna Carta for Barangay Health Workers (BHW) sa buong Pilipinas na kung saan ay aabot 3,000 pesos ang buong honoraria na makukuha nila sa isang Buwan.
Inaprubahan na sa third reading ng Senado ang panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers, na naglalayong magbigay ng mas maayos na benepisyo, proteksiyon, at suporta sa mga BHW sa buong bansa.
Kinikilala sa panukala ang mahalagang papel ng mga BHW bilang mga frontliner sa kanilang mga komunidad, partikular sa paghahatid ng pangunahing serbisyong pangkalusugan at pagtulong sa mga residente sa kanilang mga barangay.
Layunin din ng panukala na palakasin ang kapakanan at proteksiyon ng mga BHW, gayundin ang pagbibigay sa kanila ng mga benepisyong naaayon sa kanilang mahalagang kontribusyon sa sektor ng kalusugan.
Ilang BHW sa Pangasinan na matagal nang nagsisilbi sa kanilang komunidad ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa oras na tuluyan na talaga itong maipatupad.
Ayon sa mga BHW, labis ang kanilang kagalakan matapos maaprubahan ng Senado ang panukalang Magna Carta, na matagal na nilang hinihintay.
Dagdag pa nila, magsisilbi itong dagdag-motibasyon upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang trabaho at mas mapalawak ang serbisyong naibibigay sa kanilang mga kabarangay.
Umaasa rin ang mga BHW na mas marami pang volunteers ang mahihikayat na maglingkod sa kani-kanilang komunidad dahil sa mga benepisyong nakapaloob sa panukala.
Sa pag-apruba ng Senado, inaasahang magpapatuloy ang proseso ng panukala bago ito tuluyang maisabatas.
Kapag naisabatas, inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti ng kalagayan, kapakanan, at proteksiyon ng libo-libong barangay health worker na patuloy na nagsisilbi bilang katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments