𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 𝗕𝗢𝗨𝗟𝗘𝗩𝗔𝗥𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔

Binuksan na sa mga motorista at maaari nang daanan simula noong miyerkules ang bagong gawang kalsada sa bahagi ng Perez boulevard sa Dagupan City.

Malaking kaginhawaan umano sa mga pampublikong sasakyan ang muling pagbubukas sa bahagi ng kalsada lalo na para sa mga jeepney drivers.

Mas marami umano kasi silang nakukuhang mga pasahero sa bahaging ito kaya mas malaki ang kanilang kikitain at hindi na umano sila mahihirapan pa sa kanilang ruta.

Pati mga pasahero, ikinatuwa ang pagbubukas sa bagong gawang kalsada dahil mas luluwag na umano ang daanan at hindi na rin sila mahihirapan sa pagsakay sa mga pampasaherong sasakyan.

Noong pansamantalang sinara ang naturang kalsada, dumadaan muna ang mga pampasaherong sasakyan sa alternative route sa bahagi ng Herrero Perez bago sa Mayombo-Caranglaan road papuntang Calasiao.

Samantala, may pahintulot naman na mula sa hanay ng Department of Public Works and highways ang pagbubukas sa naturang kalsada at para gamitin ng mga motorista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments