𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗘𝗔𝗖𝗘𝗞𝗘𝗘𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣

Matagumpay na sumailalim ang mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pagsasanay sa Lungsod ng San Carlos sa pangangasiwa ng PNP San Carlos City.

Partikular na sumailalim ang mga BPATS ng Brgy. PNR Site sa lungsod kung saan layon ng aktibidad at pagsasanay na ito ay upang maipaalala ang kanilang mga gampanin upang mas mapahusay pa ang kanilang pagbabantay at pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar na nasasakupan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PSMS Rodrigo Landas ng PNP San Carlos City.

Ilan sa mga ibinahagi ito ay ang tungkol sa kanilang mga gampanin sa kanilang trabaho kasama ang mga opisyal ng barangay.

Ang mga miyembro ng BPATS ay katuwang ng kapulisan upang mapanatili at matiyak ang kaayusan, katahimikan, kapayapaan sa bawat lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments