𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Patuloy na hinihigpitan ng mga bus terminal companies sa Dagupan City ang kanilang pagbabantay sa seguridad at kaligtasan ng mga bibiyahe ngayong linggo para sa Semana Santa.

Simula pa noong nakaraang linggo ay nakatutok na rin ang ilang ahensya tulad ng Land Transportation Office kung saan nakapagsagawa na ng monitoring at inspection sa lahat ng bus terminals.

Sapat na rin umano ang mga bus na bumabyahe para makapag-accomodate ng mga byaherong hahabol sa byahe.

Samantala, tuloy rin ang pagmonitor ng mga Security guards at maging ng mga konduktor sa mga byaherong sasakay mga bus para siguraduhing walang masamang loob o ano pang insidente ang mangyari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments