𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Patay ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlo iba pa sa naganap na aksidente sa bayan ng Binalonan.

Naganap ang aksidente Pasado alas otso ng gabi sa Brgy San Felipe Sur sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, magkasunod na binabagtas ng motor na minamaneho ng isang Mark Abao at isang tricycle na minamaneho ng Isang Dalmacio Aquino kasama ang dalawang sakay nito ang nasabing kalsada ng tangkaing mag overtake ni Abao.

Nasagi ito ng tricycle ni Aquino dahilan upang tumilapon ang mga sangkot at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng Katawan.

Naisugod sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival si Abao habang nasa mabuti naman ng kalagayan ang mga sakay ng tricycle. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments