
CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang 42-anyos na lalaki matapos masangkot sa isang aksidente nitong ika-16 ng Mayo sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang driver ng motorsiklo na si alyas βMarcoβ, 42-anyos at residente ng Brgy. Alinam, Cauayan City habang kinilala naman ang driver ng Armored Tank ng Philippine Army na minamaneho ni alyas βDongβ 35-anyos, miyembro ng Philippine Army at residente ng Brgy. Nagrumbuan sa nasabing lungsod.
Batay sa ulat, parehong binabagtas ng dalawang sasakyan ang daan patungong Timog na direksiyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, dahil umano sa malakas na buhos ng ulan at madulas na kalsada, sumalpok ang motorsiklo sa kanang bahagi ng armored tank.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang rider.
Agad namang rumesponde ang Rescue 922 at isinugod ang biktima sa Cauayan District Hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye hinggil sa insidente.
Facebook Comments










