Friday, May 15, 2026

Lalaking may mga ilegal na armas, arestado sa Sultan Kudarat

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lalaki dahil sa pagkakaroon ng mga ilegal na armas sa Brgy. Magsaysay, Esperanza, Sultan Kudarat.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Bert”, 48 years old at residente sa nasabing lugar.

Sa bisa ng search warrant narekober sa nasabing suspek ang tatlonf loose firearms, isang Springfield garand rifle,isang caliber 9mm sub-machine gun, isang caliber 45 na baril, mga magazines; at iba’t ibang klase ng live ammunitions.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga narekober na armas ay walang kaukulang permit, lisensya, at rehistro.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o
Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments