Sunday, May 17, 2026

π—₯π—œπ——π—˜π—₯, π—¦π—¨π—šπ—”π—§π—”π—‘ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—¦π—¨π— π—”π—Ÿπ—£π—’π—ž 𝗦𝗔 π—£π—”π— π—£π—”π—¦π—”π—›π—˜π—₯π—’π—‘π—š 𝗕𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang 24-anyos na lalaki matapos sumalpok sa isang pampasaherong bus noong ika-16 ng Mayo sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si alyas β€œKoy” 24-anyos at residente ng Brgy. Baringin Sur, Cauayan City habang ang driver naman ng bus ay kinilalang si alyas β€œBoyong” 34-anyos at residente ng Manag, Conner Apayao.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksyon. Napag-alaman na bago pa man makarating sa pinangyarihan ng insidente ay pasuray-suray na umano ang takbo ng motorsiklo hanggang sa mawalan ito ng kontrol at bumangga sa kasalubong na pampasaherong bus.

Agad namang rumesponde ang Rescue 922 upang tulungan ang biktima. Kaagad ding dinala ang sugatang motorista sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng paunang lunas at karampatang medikal na atensyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang kabuuang sanhi ng aksidente.

Facebook Comments