Monday, June 1, 2026

Seguridad sa labas ng Senado, hinigpitan sa harap ng mga pagkilos ng Duterte-Bato Dela Rosa supporters

Mahigpit na seguridad ang pinaiiral ngayon sa labas ng Senado sa JW Diokno Blvd. sa Pasay City.

Sa harap ito ng pagtitipon-tipon ng mga supporters ni Vice President Sara Duterte at ng majority bloc sa Senado matapos ang pag-surrender ni Sen. Jinggoy Estrada sa PNP-CIDG.

Kaugnay nito, bantay-sarado ng mga pulis ang paligid ng labas ng Senado.

Isinara na rin sa mga motorista ang north bound ng JW Diokno Blvd.

Ilan naman sa mga retiradong heneral at dating opisyal ng nakalipas na administrasyon ang nagsalita sa programa ng Duterte supporters.

Anila, kaya sila sumugod ngayon sa Senado para protektahan ang majority bloc.

Batid anila nila na nais muling makuha ng mga senador na kaalyado ng administrasyon ang majority kaya pinipilay umano ng mga ito ang kasalukuyang mayorya at ginigipit ang mga miyembro.

Facebook Comments