Opisyal nang sinimulan ang Brigada Eskwela Kick-off sa Lungsod ng Dagupan noong Hunyo 1, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, ibinahagi ni Mayor Belen T. Fernandez ang pagdami ng mga tumutulong at sumusuporta sa programa ngayong taon.
Samantala, batay sa inilabas na impormasyon, umabot sa milyun-milyong piso ang kabuuang halaga ng suporta mula sa lokal na pamahalaan at iba’t ibang katuwang na organisasyon para sa Brigada Eskwela.
Binigyang-diin din na ang Brigada Eskwela ay hindi lamang simpleng paglilinis, kundi isang sama-samang pagkilos ng komunidad upang matiyak ang maayos, ligtas, at komportableng pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








