Thursday, June 4, 2026

Senador Alan Peter Cayetano, nanatiling SP ayon kay Sen. Estrada

Iginiit ni Senador Jinggoy Estrada na si Senador Alan Peter Cayetano pa rin ang Senate President.

Ito ang ipinahayag ni Estrada sa isang ambush interview ng media sa Sandiganbayan kasabay ng naging pagharap niya sa Sandiganbayan para sa pagbasa ng sakdal sa kaniyang kasong plunder sa Fifth division .

Una nang nagkaroon ng palitan sa liderato kahapon matapos na makabuo ng dose na bilang ang kampo nina Senator Ping Lacson.

Sinabi ni Estrada na hindi maaring gamitin ang Avelino vs Cuenco ruling sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Ani Estrada, alinsunod sa 1987 Constitution, ang mayorya sa Senado ay 13 votes mula sa 24 total members.

Aniya, mali ang iginigiit ng iba nilang kasamahan na na 22 na lang ang mga Senador dahil hindi mahanap si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at siya ay detenido.

Ani Estrada, kasama pa rin sa bilang dahil hindi hindi naman sila nag-resign, buhay nabuhay at hindi maituturing na walang kakayahan.

Ipinagpaliban naman ng Sandiganbayan ang arraignment kina Estrada at dating Public Works Secretary Manuel Bonoan sa P375-million plunder case sa June 30.

Habang nagpasok naman ng not guilty plea ang tatlong kapwa nila akusado.

Facebook Comments