Tuesday, June 2, 2026

DAGUPAN CPO NAGLABAS NGPAALALA KONTRA AKYAT-BAHAY; PUBLIKO, HINIKAYAT NA MAGDOBLE-IINGAT

Nagpaalala ang Dagupan City Police Office (CPO) sa publiko na maging mapagmatyag at magsagawa ng mga pangunahing hakbang sa seguridad upang maiwasan ang mga insidente ng akyat-bahay at iba pang krimen laban sa ari-arian.

Ayon sa pulisya, mahalagang tiyaking laging nakakandado ang mga pinto at bintana ng bahay, may tao man o wala sa loob. Pinayuhan din ang mga residente na iwasang mag-iwan ng ekstrang susi sa mga madaling makita o mahulaan na lugar tulad ng ilalim ng paso o doormat.

Binigyang-diin din ng Dagupan CPO ang kahalagahan ng maayos na ilaw sa paligid ng tahanan, lalo na sa gabi. Ayon sa kanila, mas iniiwasan ng mga magnanakaw ang mga maliwanag na lugar dahil mas mataas ang posibilidad na sila ay mapansin at mahuli.

Kasama rin sa mga paalala ang pagiging maingat sa paggamit ng social media. Hinihikayat ang publiko na huwag agad magbahagi online ng impormasyon tungkol sa kanilang pag-alis o pagbabakasyon dahil maaaring magamit ito ng mga kriminal upang matukoy kung walang tao sa bahay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments