
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad ito ng “zero tolerance” sa mga pulis na lumalabag sa batas-trapiko.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., bilang tagapagtupad ng batas, tungkulin ng mga pulis na maging halimbawa sa pagrespeto kahit sa simpleng rules and regulations.
Aniya, ang asal at kilos ng mga pulis sa publiko ay sumasalamin sa integridad ng buong institusyon.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng kumalat sa social media na mga larawan ng dalawang pulis na nakitang nakasakay sa motorsiklo nang hindi nakasuot ng protective helmet.
Babala naman ni Nartatez sa mga police commanders kung hindi nila maayos na bantayan at pangasiwan ang mga tauhan nito ay inaasahan na may kasunod itong pananagutan.
Facebook Comments










