
CAUAYAN CITY- Matumal ang bentahan ng bigas sa ilang pamilihan sa Cauayan City dahil sa patuloy na mataas na presyo nito, na iniuugnay ng ilang nagtitinda sa epekto ng Super El Niño sa produksyon ng palay.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Mary Mauanay, sinabi nitong, bagama’t may sapat silang suplay ng bigas, kapansin-pansin ang paghina ngbentahan dahil maraming mamimili ang nagtitipid atbumibili na lamang ng mas kaunting dami ng bigas.
Dagdag pa niya, hangga’t nararamdaman ang epekto ng Super El Niño, inaasahan nilang mananatiling mataas ang presyo ng bigas. Aniya, naapektuhan ngmatinding init at kakulangan ng ulan ang produksyon ng palay, dahilan upang tumaas ang halaga ng mga produktong kanilang ibinebenta.
Ayon pa kay Ginang Mauanay, nais man nilang magbaba ng presyo upang makatulong sa kanilang mga kostumer, walasilang magagawa kundi sundin ang itinakdang presyo batay sa kanilang puhunan at sa presyo ng suplay nakanilang kinukuha.
Samantala, umaasa ang mga rice retailer na unti-untingbabalik sa normal ang bentahan kapag bumuti na angpanahon, tumaas ang ani ng mga magsasaka, at naging mas abot-kaya ang presyo ng bigas sa merkado.










