KALAGAYAN NG BAYAMBANG MUNICIPAL LIBRARY, SINURI NG NLP

Sumailalim sa pagsusuri ng National Library of the Philippines o NLP ang Bayambang Municipal Library sa pamamagitan ng isinagawang onsite visit noong Nobyembre 25, 2026.

Pangunahing layunin ng pagbisita na alamin ang kasalukuyang kalagayan ng aklatan, partikular ang operasyon, mga pasilidad, koleksiyon ng mga aklat, at mga serbisyong ipinagkakaloob nito sa publiko.

Bahagi ito ng programa ng Public Libraries Division ng NLP upang masubaybayan at masuri ang kalagayan ng mga affiliated public libraries, gayundin ang matukoy ang mga pangangailangan at aspeto na dapat pang mapabuti.

Sa isinagawang assessment, nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng NLP kay OIC-Municipal Librarian Atty. Melinda Rose Fernandez, na sumagot sa kanilang mga katanungan hinggil sa operasyon at iba pang pasilidad ng aklatan.

Inaasahang magsisilbing batayan ang pagsusuring ito sa pagtukoy ng mga oportunidad para higit pang mapaunlad ang pasilidad at mapahusay ang serbisyo ng Bayambang Municipal Library para sa mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments