
CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki matapos umanong saksakin ang isang babae sa isang kubo sa Brgy. San Fermin Cauayan City noong ika-21 ng Hulyo.
Kinilala ang biktima na si alyas βGemmaβ, 47-anyos at residente ng Simimbaan, Roxas, Isabela habang suspek naman ay kinilalang si alyas βBobetβ 50-anyos at residente ng Brgy. San Miguel, Burgos, Isabela.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtungo umano ang biktima sa isang kubo malapit sa isang coffee shop upang magpahinga at matulog.
Habang umiinom siya ng tubig, napansin niya ang suspek nanasa loob din ng kubo.
Ayon sa ulat, tinawag umano ng biktima na “baliw” ang suspek.
Dahil umano sa galit, biglang bumunot ng kutsilyo angsuspek at tinangkang saksakin ang biktima, ngunit nakailag ito.
Sa ikalawang tangkang pananaksak na tumama sana sa balikat ng biktima, naiharang nito angkaniyang kanang kamay na siyang nagtamo ng sugat.
Agad na tumakbo ang biktima patungo sa pinakamalapit na police outpost upang humingi ng tulong.
Mabilis namang rumesponde ang mga pulis. Kusa umanong sumuko ang suspek at isinuko rin ang kutsilyong pinaniniwalaang ginamit sa insidente.
Matapos ang pag-aresto, ipinaliwanag sa suspek ang kaniyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.
Dinala siya sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon, habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kaniya.










