𝗠𝗚𝗔 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗨𝗠𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗜𝗥𝗘-𝗥𝗘𝗣𝗔𝗜𝗥; 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Patuloy pa rin ang isinasagawang repair o pagsasaayos sa mga nasirang mga water pumping station sa bayan ng Malasiqui.

Sa anunsyo ng LGU Malasiqui sa publiko, patuloy ang isinasagawang repair sa mga ito dahil sa hinaing ng mga residenteng lubhang naapektuhan ng mahinang suplay ng tubig sa kanilang lugar.

Ayon pa sa LGU, dahil sa repair posibleng magkaroon lamang ng mahinang suplay ng tubig o maaari ring walang mailabas ang mga gripo.

Ilan lamang sa kasalukuyang nirerepair ang water pumping station sa General Aguinaldo Street, San Isidro kung saan aabutin ng ilang araw ang repair.

Samantala, sa kabila ng nararanasang hirap sa tubig ng maraming residente at konsyumer ng tubig sa bayan ay nakumpleto na ang isa pang pumping station sa bahagi ng Plaza na natapos noong unang araw ng Pebrero, ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments