𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗦𝗗𝗢𝟭𝗣-𝗔𝗔 𝗠𝗘𝗘𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗦𝗗𝗢𝟭 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Inilabas na ng DEPED SDO1 Pangasinan ang overall results ng mga nangunang munisipalidad sa naganap na SDO1P-Athletic Association Meet 2024.

Sa kalalabas na results, rank 1 overall ang mga atletang nakilahok mula sa bayan Bayambang kung saan nagkamit 51 gold, 46 silver, at 28 bronze medals.

Nakamit naman ng mga atleta mula sa bayan ng Lingayen ang ikalawang pwesto sa overall results kung saan nagkamit sila ng 43 gold, 32 silver, at 44 bronze medal habang nasa ikatlong overall ranking naman ang mga atleta mula sa bayan ng Anda kung saan nagkamit naman ng 32 gold, 19 silver, at 18 bronze medals.

Nasa dalawampu’t dalawang mga munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan ang mga nakilahok na mga atleta sa naturang Athletic Meet.

Samantala, ang mga nanalo naman sa naturang athletic meet ay sasabak at lalaban naman sa gaganaping Region 1 Athletic Association Meet 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments