150 MANGGAGAWANG KABATAAN SA LONGOS, MAKAKATANGGAP NG FARE AT GAS SUBSIDY

Kasabay ng Araw ng mga Manggagawa, kahapon, aabot sa 150 benepisyaryo ang napili ng Sangguniang Kabataan ng Longos, Calasiao upang makatanggap ng tig-₱200 na subsidy para sa pamasahe at gasolina.

Ayon sa pamunuan ng SK, ang pondo para sa programa ay nagmula sa kanilang aprubadong budget, kabilang ang realignment at supplemental funds, na mula rin sa buwis ng mga residente ng barangay.

Dumaan naman sa masusing screening at validation ang mga napiling benepisyaryo.

Kabilang sa mga kinailangang patunayan ay ang pagiging residente ng Barangay Longos, pagiging manggagawang kabataan, at pagsusumite ng kumpletong dokumento gaya ng valid ID, patunay ng trabaho, at certificate of indigency.

Tiniyak ng SK na ang pagpili ay ibinatay sa maayos na pagsunod sa mga itinakdang alituntunin upang masigurong mapupunta ang ayuda sa mga tunay na nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments