Monday, April 27, 2026

π—£π—˜π—¦π—§ 𝗔𝗧 π——π—œπ—¦π—˜π—”π—¦π—˜ π— π—’π—‘π—œπ—§π—’π—₯π—œπ—‘π—š, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—§π—¨π—§π—¨π—£π—”π—— 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗣π—₯π—’π—§π—˜π—žπ—§π—”π—›π—”π—‘ π—”π—‘π—š π—”π—‘π—œ π—‘π—š π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—”

Cauayan City – Mas pinaigting ng DA-Regional Crop Pest Management Center 2 ang pest at disease monitoring upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga pananim at matiyak ang proteksyon sa ani ng mga magsasaka.
β€Ž
β€ŽBahagi ito ng patuloy na hakbang para mapanatili ang matatag na suplay ng pagkain sa rehiyon.
β€Ž
β€ŽIpinatutupad ang regular na surveillance at paggamit ng makabagong teknolohiya upang mabilis na matukoy ang pagdami ng peste at pagkalat ng sakit sa mga taniman.
β€Ž
β€ŽSa ganitong paraan, agad na naipapatupad ang angkop na hakbang bago pa lumala ang sitwasyon.
β€Ž
β€ŽKabilang sa tinututukan ang mga itinuturing na vulnerable sa paglaganap ng peste at sakit tulad ng ulmog o hopperburn, corn aphids, fall armyworm, leaf folder, rice blast, at iba pa na maaaring makaapekto sa palay at mais.
β€Ž
β€ŽBinigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng maagang pagtukoy upang maiwasan ang malawakang pinsala sa agrikultura.
β€Ž
β€ŽHinihikayat naman ang mga magsasaka at lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat sa Municipal at City Agricultural Offices o pagpunta sa tanggapan sa San Vicente Hills, City of Ilagan, upang mas mapalakas ang monitoring system at food security sa rehiyon.

Facebook Comments