Monday, April 27, 2026

Ombudsman, kinondena ang online disclosure ng identity ng mga imbestigador

Kinondena ng Office of the Ombudsman ang pagsisiwalat ng mga pagkakakilanlan ng mga imbestigador nito online.

Nakikipagtulungan na ngayon ang anti graft court sa mga law enforcement agencies upang matukoy ang mga nasa likod ng pag-leak para masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Sa isang pahayag, sinabi ng Ombudsman na ang hindi awtorisadong pagpapalabas ng identity ng kanilang mga imbestigador ay sinadya upang maghatid ng takot at ilagay sa peligro ang kanilang kaligtasan.

Nakikipag-ugnayan na ang Ombudsman sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para matukoy ang mga responsable.

Giit ng Ombudsman, ang mga nasa likod ng pag-leak at sirkulasyon ng mga dokumento ay maaaring maharap sa mga kaso sa ilalim ng Data Privacy Act .

Facebook Comments