Isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ng Balungao ang Puro Kalusugan Medical Mission sa Barangay San Aurelio 3rd na nagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang ibat ibang sektor kabilang ang mga senior citizen, mga ina, at mga bata na nakinabang sa mga serbisyong inilaan.
Ito ay alinsunod sa programa ng Department of Health (DOH) na may libreng konsultasyon, dental services, pamamahagi ng gamot, basic laboratory tests at pagbabakuna.
Bukod dito, may kahalintulad ding community-based medical missions ng mga pribadong grupo tulad ng Operasyon sa Nayon Sa Barangay Poblacion noong Abril 19, na nakapagbigay ng 78 tuli, 9 minor surgical cases at 103 libreng konsultasyon at gamot.
Facebook Comments







