Monday, June 8, 2026

𝗗π—₯π—¨π—š π——π—˜π—‘ 𝗦𝗔 π—¦π—’π—Ÿπ—”π—‘π—”, π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘, 𝗑𝗔𝗕𝗨π—ͺπ—”π—š; 𝟯 𝗗π—₯π—¨π—š π—£π—˜π—₯π—¦π—’π—‘π—”π—Ÿπ—œπ—§π—¬, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’!

Cauayan City β€” Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto kasabay ng pagbuwag sa isang drug den sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calamagui, Solana, Cagayan.

Pinangunahan ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cagayan Provincial Office na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina alyas na β€œAndo,” 37-anyos na siyang umano’y nagpapatakbo ng drug den, alyas β€œWin,” 38-anyos, at alyas Joe,” 32-anyos.

Nasamsam sa operasyon ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang pitong gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P47,600, buy-bust money, cellphone, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang pagbebenta, pag-iingat, at paggamit ng ilegal na droga, gayundin ang pagpapatakbo at pagbisita sa drug den.

Hinikayat naman ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Facebook Comments