Monday, July 13, 2026

𝗣𝟭𝟳𝟲𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗢𝗬, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗤𝗣𝗣𝗢

Cauayan City – Arestado ang dalawang lalaki na kinilala sa mga alyas na “Dong” at “Tisoy” matapos maaktuhan sa umano’y ilegal na pagpoproseso ng kahoy sa isinagawang anti-illegal logging operation ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) sa Barangay Jose Ancheta, Maddela, Quirino noong ika-11 ng Hulyo.

‎Pinangunahan ng Quirino Provincial Intelligence Unit ang operasyon kasama ang 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company at Maddela Police Station.

‎Sa operasyon, nasamsam ang isang chainsaw at 179 na piraso ng tablang kahoy na pinaniniwalaang ilegal na nakuha.

‎Ayon sa pulisya, ang mga nakuhang kahoy ay tinatayang aabot sa 2,200 board feet na may kabuuang halagang humigit-kumulang ₱176,000.

‎Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines at Chain Saw Act of 2002.

Facebook Comments