Tuesday, May 5, 2026

LTO, siniseryoso ang ARTA report na pinaka-corrupt ito; nangakong gumagawa na ng hakbang upang mapaghusay ang serbisyo sa publiko

Sa harap ng pagiging pinaka-inirereklamong ahensya, nangako ang Land Transportation Office (LTO) na aayusin ang serbisyo nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Markus Lacanilao na sa ilalim ng kanilang 7-point priority agenda, gumagawa sila ng konkretong hakbang upang mapabuti ang kanilang fronline services.

Aminado rin si Lacanilao na alam nila ang ulat ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at seryoso nila itong hinaharap.

Aniya, sadyang mataas ang volume ng transactions, pero hindi anila ito maaring gamitin bilang palusot.

Ito ang dahilan anila kung bakit inilunsad ang ‘I-report mo kay LTO Chief’ para magkaroon ang publiko ng malinaw na paraas sa pagsumbong ng delay, fixer, at iba pang aberya.

Sagot ito ng LTO sa pahayag sa Malacañang ni ARTA Director General Ernesto Perez na pinaka-inirereklamo ang LTO sa lahat ng ahensya dahil sa mabagal na proseso at dagdag na requirements.

Facebook Comments