Wednesday, May 6, 2026

HIGH VALUE TARGET NA SANGKOT SA ILEGAL NA DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST SA ILOCOS SUR

Nasakote ng mga awtoridad ang isang target-listed high-value individual (HVT) na sangkot umano sa ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Narvacan, Ilocos Sur.

‎Kinilala ang suspek sa alyas na “Majo,” 31 anyos, na matagal nang minamanmanan ng mga operatiba dahil sa umano’y pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga sa Vigan City at mga karatig lugar mula pa noong 2025.

‎Pinangunahan ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Ilocos Sur Provincial Office katuwang ang Ilocos Sur Police Drug Enforcement Unit at Narvacan Municipal Police Station.

‎Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may standard drug value na humigit-kumulang ₱3,400, buy-bust money na ₱1,000, at isang Android phone.

‎Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments