Wednesday, May 6, 2026

LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BINALONAN

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng Binalonan Police Station noong Mayo 4, 2026, katuwang ang mga opisyal ng Barangay San Felipe Sur.

Kinilala ang suspek na isang meat butcher at residente ng Barangay Anonas, Urdaneta City. Narekober mula sa kanya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱5,100, buy-bust money, coin purse, sling bag, cellphone, isang kalibre .38 na baril, at ang ginamit na motorsiklo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearm. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments