𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng isang magsasaka matapos itong maaresto sa ikinasang Drug-buy-bust operation kahapon ika-9 ng Enero sa Tuguegarao City, Cagayan.
Kinalala ang suspek na si Alyas “Henry”, 54 anyos, residente ng Amulung, Cagayan na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at 10591 o Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act.
Nasabat sa pag-iingat ng suspek ang 3 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust money, isang pistol Caliber 22, 5 bala at isang basyo nito, at isang Holster.

Tinataya namang aabot sa P108,800 ang halaga ng nasamsam na shabu na tinatayang may bigat na 16 gramo.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Tuguegarao Component City PS ang suspek.
Facebook Comments