Tuesday, November 3, 2026

PBBM, balik-trabaho matapos ang Undas

Balik-trabaho na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang tatlong araw na walang pampublikong aktibidad mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Huling naiulat na aktibidad ng Pangulo ang pagdaraos ng isang pribadong misa para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong Oktubre 30.

Ngayong araw ay makipagpulong ang Pangulo sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Digital Infrastructure Sector Group sa Malacañang.

Tatalakayin dito ang pagpapalawak ng internet access, pagpapalakas ng cybersecurity at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino sa digital economy.

Kabilang din sa agenda ang update sa Bayanihan SIM Project at ang panukalang pagpapalawig nito.

Facebook Comments