Tuesday, November 24, 2026

Bilang ng pamilyang apektado ng El Niño sa ilang rehiyon sa bansa, tumaas, base sa talaan ng DSWD

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga apektadong indibidwal o pamilya ng epekto ng tagtuyot o El Niño sa 6 na rehiyon sa bansa.

Ayon sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development, o DSWD – Disaster Response Management kagabi (as of 6pm), November 3, tinatayang umabot na sa mahigit 190-k na pamilya, o katumbas ng humigit-kumulang 490-K na indibidwal, ang naapektuhan ng tagtuyot.

Nagmula ang nasabing datos sa mahigit 2-K barangay sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bico Region, SOCCSKSARGEN, at CARAGA.

Umabot naman sa mahigit P180-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng ahensya sa mga apektadong pamilya, habang may mahigit P4-billion pa namang available funds ang ahensya, sakaling kailanganin pa ng karagdagang tulong.

Samantala, wala pa namang naitatalang evacuees dulot ng tagtuyot sa nasabing mga rehiyon.

Facebook Comments