Napuno ng tawanan, konting katatakutan, makukulay na kasuotan, at matatamis na sorpresa ang pagdaraos ng One Manaoag Trick or Treat 2026, na naghatid ng masaya at di-malilimutang karanasan sa mga bata at kanilang pamilya sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.
Naging tampok sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang Halloween stations na nagbigay ng aliw at kasiyahan maging katatakutan sa mga dumalo, kabilang ang candy treats, libreng photo booth, movie screening, at magic show.
Lalong naging makulay ang pagdiriwang sa paglahok ng mga batang nakasuot ng kani-kanilang cute at malikhaing Halloween costumes.
Bitbit ang kanilang mga loot bag, umikot sila sa mga istasyon upang makilahok sa mga inihandang aktibidad at makatanggap ng matatamis na treats.
Higit pa sa mga kendi at masasayang pagtatanghal, naging pagkakataon din ang selebrasyon upang magsama-sama ang mga pamilya at maipamalas ng mga bata ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan.
Sa matagumpay na pagdaraos ng One Manaoag Trick or Treat 2026, muling nabigyang-diin ang kahalagahan ng mga gawaing nagtataguyod ng kasiyahan, pagkakaisa, at sama-samang paglikha ng masasayang alaala para sa mga bata at kanilang pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










