𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗟𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥

Patay ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army matapos itong pagbabarilin ng kapwa nito sundalo sa bayan ng Labrador.

Ang biktima ay nakilalang si Marianito Bolante Habang ang suspek ay si Master Sergeant Henry Quijado parehong nakadestino sa Camp Tecson sa San Miguel Bulacan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo ng bahay ng suspek sa brgy Uyong sa bayan ng Labrador ang biktima Kasama ang Ilan pa sa mga kasamahan nilang sundalo upang kausapin ito kaugnay sa kanyang pagiging AWOL o absent without leave.

Sa kasagsagan ng pag-uusap ay bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaulanan ng bala ang biktima at kasamahan nito kung saan ay nagtamo ng mga Tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Wala namang nasaktan sa iba pang kasama nito.

Samantala, ayon sa impormasyon na nakalap ng IFM Dagupan nagbaril naman sa sarili ang suspek matapos ang ilang oras na negosasyon kasama ng PNP upang mapasuko sana ng matiwasay ito.

Isinugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments