
βJONES, ISABELA – Nauwi sa karumal-dumal na pagpatay ang umanoβy pagtatalo dahil sa P900 na utang sa Barangay Sto. Domingo, Jones, Isabela, matapos matagpuang patay ang isang lalaki habang natutulog sa duyan.
β
βKinilala ang biktima sa layas na “Jake”, residente ng Barangay San Vicente, habang ang suspek ay si alyas “Mark”.
β
βAyon sa Jones Police Station, nakipag-inuman ang biktima sa suspek at iba pa nilang kakilala noong Agosto 17.
β
βDito umano muling siningil ng suspek ang biktima sa utang na tatlong taon na umanong hindi nababayaran.
β
βNagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
β
βSinabi ng biktima na babayaran niya ang utang, ngunit nasambit din umano nito na isasampal niya sa mukha ng suspek ang ibabayad sa harap ng kanilang mga kasama.
β
βPagkaraan ng inuman, nagtungo ang biktima sa bahay ng isang kakilala at nakatulog sa duyan sa likuran ng bahay.
β
βNakita umano ang bitkmang duguan at wala nang buhay habang tumatakas ang suspeksuspek nang magising ang may-ari dahil sa tahol ng mga aso at ingay sa labas.
β
βAgad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at kalaunan ay naaresto ang suspek dahil sa kasong murder subalit pansamantalang nakalaya para sa regular filing.
β
βSamantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa insidente.










