𝟭 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟮 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔-𝗧𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Nasawi ang 66 anyos na biyudo mula Brgy. Buenlag, Binmaley matapos na-trap sa nasusunog nilang bahay madaling araw ng March 25.

Sa imbestigasyon, alas kwatro ng madaling araw nang madiskubre ang sunog na mabilis kumalat sa mga kuwarto ng bahay na kinasawian ng biktima na si Arnulfo Rosannes. Sugatan naman at nagtamo ng paso sa katawan ang dalawang kaanak ng biktima na agad namang nadala sa pagamutan.

Sa video na kuha ng isang residente malapit sa pinangyarihan, makikita na naabo maging ang kotse na malapit sa bahay at bahagyang nadamay din ang puno ng mangga sa gilid. Pagbabahagi nila sa iFM Dagupan, maaring ang kandila umano na inilagay sa harap ng abo ng yumaong asawa ng biktima ang pinagmulan ng sunog. Nahagip umano ng kandila ang kurtina na siyang nagpaliyab sa buong bahay.

Idineklarang fire out ng BFP Binmaley ang insidente isang oras ang nakalipas. Kasalukuyan pang inaalam ang pinagmulan ng sunog at ang danyos sa insidenteng ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments