𝗦𝗘𝗟𝗙-𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗩 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗜𝗟𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡

Bumangga sa concrete barrier ang SUV na minamaneho ng 68 anyos na retired nurse na si Edgardo Paguyo nang hindi mapansin ang on going na road construction.

Ayon sa biktima, madaling araw nang tinatahak niya ang national road sa Brgy. Guibel, San Jacinto papunta sa town proper nang aksidente itong bumangga sa concrete barrier. Aminado itong hindi napansin ang barrier dahil sa kakulangan ng pailaw sa lugar at road construction area.

Pasasalamat ng biktima na hindi ito nagtamo ng galos o sugat sa katawan. Ang napinsala namang sasakyan nito ay nasa kustodiya ng San Jacinto Police Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments