Monday, July 13, 2026

๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐Ÿฐ ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐——-๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—จ-๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ

CAUAYAN CITY – Nagsimula na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga paunang hakbang para sa pagtatayo ng 264 bagong silid-aralan sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lalawigan.

โ€ŽInaasahang makikinabang dito ang humigit-kumulang 9,000 mag-aaral sa pamamagitan ng mas maayos at hindi masisikip na mga silid-aralan.

โ€ŽAyon kay Schools Division Superintendent Dr. Rachel R. Llana, mahalaga ang proyekto upang matugunan ang kakulangan ng mga classroom sa ilang paaralan at mapabuti ang kalagayan ng pagkatuto ng mga estudyante.

โ€ŽBunga ang proyekto ng Memorandum of Agreement na nilagdaan nina Isabela Governor Rodito T. Albano at ng Department of Education noong Pebrero 11, 2026.

โ€ŽSa ilalim ng kasunduan, ang Pamahalaang Panlalawigan ang mangunguna sa konstruksyon at iba pang kaugnay na pagpapaunlad ng mga gusali ng paaralan, habang magbibigay ng pondo at teknikal na suporta ang DepEd.

โ€ŽNagpasalamat si Llana sa patuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan at iginiit na ang mga bagong gusali ay idinisenyo upang maging matatag laban sa kalamidad.

โ€ŽSamantala, ipinag-utos ni Gov. Albano ang agarang pagpapabilis sa procurement process upang masimulan at matapos sa takdang panahon ang proyekto.

Facebook Comments