13 Pinoy, arestado sa illegal gambling sa Hong Kong

49

Arestado ng Hong Kong authorities ang 13 Filipino dahil sa iligal na pagsusugal sa gilid ng kalsada.

Kabilang sa naaresto ang dalawang lalaking Pinoy at 11 Filipina.

Kasama rin ang apat na Pakistani sa mga dinampot ng mga otoridad dahil sa illegal gambling.


Nabatid na nilabag din ng mga ito ang porotocol sa Prevention and Control of Disease (Prohibition of Gathering) Regulation (Cap. 599G) na may katapat na multa.

Habang ang penalty naman sa iligal na pagsusugal ay multang HK$50,000 at 2 taong pagkakakulong.

Facebook Comments