
Target ng Pilipinas at Paraguay na palawakin ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Paraguay President Santiago Peña Palacios sa Malacañang.
Kabilang sa gustong maipasok ng Pilipinas sa merkado ng Paraguay ang tuna, sardinas, bangus at iba pang produktong Pilipino upang mapalawak ang merkado para sa local industries at exporters.
Ayon kay Pangulong Marcos, nagkasundo rin ang dalawang bansa na tukuyin ang mga sektor na maaaring pasukin ng mga negosyante upang mas mapalakas ang investments at economic cooperation.
Sa panig naman ng Paraguay, target nitong dagdagan ang pag-export sa Pilipinas ng karne ng baka, baboy at manok na nagsimula na noong nakaraang taon.
Nais din nitong palawakin ang pagpasok ng trigo, mais at oilseeds sa bansa.










