
Iginiit ng National Bureau of Investigation (NBI) na pananagutan ng Senado na iharap si Senator Ronald “Bato” dela Rosa dahil nasa ilalim ito ng protective custody ng mataas na kapulungan.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, malinaw na may responsibilidad ang Senado sa paglutang ng senador na nahaharap sa warrant of arrest.
Sinabi rin ni Matibag na mahigpit na bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging patas ang imbestigasyon at papanagutin ang lahat ng mapatutunayang sangkot sa insidente.
Aminado si Matibag na “nakakalungkot” kung totoo ngang wala na sa Senado si Dela Rosa dahil inaasahan umano niyang igagalang ang kanilang napag-usapan.
Dagdag niya, bilang mga kagalang-galang na opisyal ng gobyerno, tungkulin ng mga senador na protektahan hindi lang ang kanilang kasamahan kundi pati ang batas at Konstitusyon.










