
Magsusumite ngayong araw ng written report sa Senado ang siyam na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na humabol kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa kahapon para isilbi sana ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Ang mga agent ng NBI ay na-cite in contempt matapos habulin ang senador loob mismo ng gusali ng Senado upang arestuhin ito.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, iimbestigahan ng NBI ang mga personnel na sangkot sa insidente at magsusumite ng written report.
Sa inisyal na report, nasugatan umano sa daliri si Dela Rosa matapos madulas sa hagdan habang siya ay hinahabol.
Ang tangkang pag-aresto ay kaugnay ng warrant na inilabas umano ng International Criminal Court laban kay Dela Rosa kaugnay ng umano’y papel nito sa war on drugs.
Gayunman, hinarang ito ng Senado alinsunod sa naunang resolusyon na kumokondena sa extradition nang hindi muna nauubos ang lahat ng legal remedy sa loob ng bansa.










