Monday, May 11, 2026

Tanggapan ni Senator Bato Dela Rosa, natanggap na ang subpoena na inisyu ng DILG

Naiparating na sa tanggapan sa Pasay at sa bahay ni Senator Bato dela Rosa sa Davao ang subpoena na inisyu ng Department of Interior and Local Government o DILG kaugnay ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa umano’y pagkakasangkot ng senador sa extrajudicial killings (EJK) sa Davao City.

Sinubukan pang tanggihan ng tanggapan ni Dela Rosa ang opisyal na kopya ng subpoena dahil wala umano silang natatanggap na utos tungkol dito mula sa senador pero nag-iwan pa rin ng kopya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dito.

Wala pang tugon ang kampo ng senador sa ngayon pero confident umano si DILG Secretary Jonvic Remulla na dadalo ang senador lalo’t obligado siyang magpakita sa Kampo Krame alas-10am sa Huwebes, March 14.

Matatandaang ilang buwan na ring hindi nagpapakita sa Senado si Dela Rosa simula pa noong nakaraang taon.

Facebook Comments