Friday, May 15, 2026

13 pang Pinoy human trafficking victims, dumating na sa bansa mula Myanmar

13 pang Pilipinong biktima ng human trafficking mula Myanmar ang dumating sa bansa.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang mga biktima ay ni-recruit sa online job offers kung saan pinangakuan sila ng mataas na sahod sa abroad.

Nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Task Force para matukoy at mapanagot ang mga sangkot sa naturang illegal recruitment at trafficking scheme.

Muli namang nagbabala sa publiko ang DMW laban sa mga nag-alok ng trabaho sa mga karatig na bansa sa Asya na karaniwang sangkot sa illegal scam operations at trafficking syndicates.

Facebook Comments