
Malinaw na naipakita ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang “pattern of violence” o pagiging bayolente ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ito ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña makaraang iprisenta ni Matibag sa impeachment trial na nanuntok si VP Duterte, naging isa sa mga arkitekto ng Oplan Tokhang, nag-utos na mangidnap, at nagbanta sa buhay.
Bunsod ito ay iginiit ni Cendaña na lalong napatibay ang alegasyog binantaan ni VP Duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at kanyang pamilya.
Itinuturing naman ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, na pasabog pa rin ang testimonya ni Matibag sa impeachment trial dahil naipakita nito na may kakayahan si VP Duterte na magbanta at magpapatay.










